Ala-ala

may By: May Anne P. Llacuna,Sunshine Navalta and Glaiza Guillermo

Isang gabing walang magawa

Kundi making ng musika

At ako’y napapaluha

Sa bawat liriko ng kanta.

Dahil aking naaalala

Isang taong mahalaga

Na minsan sakin nagpasaya

At nag-iwan ng masayang ala-ala.

Ala-alang hindi mawawala

At sa puso ko’y hindi mabubura

Ikaw lang ang taong nagbigay sakin ng saya

Na hindi kayang tumbasan ng kahit sino pa.

Salamat sa ala-alang iniwan

Na hindi ko makakalimutan

Mananatili ito sa aking puso’t isipan

Ngayon at magpakailanman. 🙂

Categories: Uncategorized | 4 Comments

Create a free website or blog at WordPress.com.